Ipapaputol ko ang kanang kamay ko sa ngalan ng pagiging mahusay.
Kapag dumating ka sa puntong kailangan mong magdesisyon kung aling daan ang tatahakin, humakbang ka.
Marami kang mapapansin kung titingin ka lang.
Wala nang tumutungo doon. Masyado na kasing maraming tao.
Hindi ako makapagtuon ng pansin kapag nag-iisip ako.
Tila lumipas na ang bukas.
Bakit ko bibilhan ng encyclopedia ang mga anak ko? Hayaan mong maglakad sila papasok sa eskuwela tulad ng ginawa ko.
Naligaw tayo, ngunit gumagawa tayo ng mga alaala.
Kalahati ng mga kasinungalingang sinasabi nila tungkol sa akin ay walang katotohanan.
Ang piso ay hindi na tulad ng mamiso.
Naging paulit-ulit na lang ulit.
Hindi pa ito ang wakas hanggang sa matapos ‘to.
Gng. Batungbakal: “Ayos ka talaga.” Yogi Berra: “Salamat po. Kayo rin po, parang hindi naman masyadong magulo.”
Kung perpekto ang mundo, imposible ‘yon.